Wednesday, July 27, 2005

Another Brutal and Sabawful encounter..


Haayy... Kung kahapon ay "sleefy sleefy" na araw, ngaun naman ay puro "bayolens".(hindi ung pinapatugtog kasama ng piano ah...nyek o_O). Anywiez, kaninang umaga, pinagtitripan namin nina Red at Cyrus ang isa sa mga posters na napulot namin. Ayoko sabihin dito baka may spy..hehe. Ngayong araw na 'to nalikha ang mga pangalang, The Banshee from hell...The Evil Pedophile clown , Mr.Pringles...atbp. Ginawa namin to habang nag-BABASICON kami...boring eh.. Tapos ang saya kasing walang orient1. So kumain kami sa usual kainan/tambayan, sa "Dixies""Sixdies""Diskies" .... or kung ano man gusto nio itawag. Pagkatapos nung free time, nagTekken kami kasama nina Red, Cyrus, Inigo, Mark Louie. Si Cyrus ung pinakamagaling. Malamang...Kinarne kaming 3 eh >_<. Aun...at ayan na...Its another time for Compro lab exercises. SObrang nakakabanas ang panahonh ito. Lalo na kanina, na nagkamali lang ako sa placement ng function at ng "caller" nung finction mali na. NO SECOND TRIALS. Napakadaya, dahil first time ko pa lang magpacheck nun. Samantala ung iba nakakailang check na, pero pwede pa rin ayusin...buwisit.. And as usual, sabaw na namn ang utak ng karamihan sa amin. Kaya pagkatapos nun, pumunta ako sa McDo kasama ni Omar. Kala ko nagsiuwian na ung mga S17, un pala nandun din sila kumakain din..hehe ..how joyful ^_^. kaso pagdating namin ni omar at ivan tapos na sila kumain. Pero ok na din, kasi nakakain pa rin ako..hehehe :P . Aun..isa isa na nagalisan, sumakay na ko ng LRT.


Maaaring isa na naman sa mga ordinaryong araw 'to . Pero sa araw araw na ginawa ng diyos, meron pa ring saksakan ng konting alaala ng nakaraan at ng kasalukuyan(Memories, all alone in the moonlight... XD ...) KAya minsan di ako makapagisip ng mga logics at solutions eh...Daming kong mga plano na hindi naman natutupad. Anywiez, sobrang excited na ko sa Saturday!! EK naaaaaaaa!!! ^_^ .... Space Shuttle here I come...wakekeke... Gusto ko na sumigaw sa anchors away! yey!!... Haayy...sana maging memorable ang saturday na un...Hopefully ^_^ ...Ay onga pla..bukas na ko boboto...:P

(maglalagay ako ng daily LSS katulad ng ginagawa ng isa sa mga kabarkada ko :P)
Today's LSS:" What if God was one of us? - Alanis Morissette"

Tuesday, July 26, 2005

Sleepy Sleepy

Kanina, na-experience ko ang pinakaboring at nakakaantok na araw sa buong stay ko sa school ko ngaun. Bakit? ewan ko. Kanina kasi, pumunta ang ilan sa mga kablock mates ko sa bahay namin. Kakatapos lang ng super exiciting na test namin sa BASICON...NOT! haha...anyweiz, dun siguro dun na nga nagsimula ang kaboringan ng araw na to. .... Aun na nga, pumunta kami sa bahay namin kasi ang haba ng break namin kanina. Kumain muna kami sa tapsihan malapit sa bahay..hehe. TApos nun, naglaro kami ng walang kasawa-sawang laro na Tekken ika- limang yugto...at ang napakanakakagagong laro na Capcom fighting evolution, dahilan sa kataetaeng 2d graphics...o_O. aun..Taxi ung ginamit namin paalis at pabalik ng skul since apat naman kami, tipid na rin. Aun. ... Once again, inatake na naman ng kaboringan nung Compro time...grabe yang basicon test na yan...umaabot hanggang hapon 0_0. Pero nung Filipi time, mejo naengganiyuhan ako kc nanuod kami ng isang video presentation entitled "misedukasyon"...or something like that. Tapos nung pauwi na ko, umuulan pala..kakabanas.. tuwing umuulan tlaga, parati na lang ako may naalala...haayy...*sob* ... ewan ko ba...di ko alam kung tama ung ginagawa ko ngaun. Dami ko na in-ask for advice, iba iba sagot nila...di ko alam kung cno papanigan ko. Pero alam ko nasa akin pa rin ung desisyon. Sige..bukas na ulit...la na ko masabi...bukas exciting kasi elections..hehe :P....

The Start of A new beggining PArt 2, The Comeback with a vengeance 3..whaaat???! :))

Dati sabi ko sa sarili ko na wala akong kapabilidad na gumawa ng blog dahilan sa aking sched. ...hmmm...di ko siguro makayanan, sa dami ba naman ng mga iniisip ko araw araw. Madalas nga ako napa-paranoid these days eh. Ewan ko ba. Siguro dahil sa mga kadami daming pagkakataon sa buhay ko na pinalagpas ko lang.(Sa mga kabarkada ko, alam nio na siguro ang mga moments na ito ;)) ... Oh well... This is the start of waway's blog. ^_^ ... Unang una, ang unang pumasok sa isip ko kanina bago maggawa ng blog ayang kaibahan ng hayskul sa college...well...in my own perspectives siguro. Pansin ko, ang hirap pala mag adjust sa college. Lalo napag galing ka sa isang kagaling-galing na exclusive for boys na skul >_< .. Kaya yan..Kung may gusto man akong sabihin sa mga girls, di ko masabi sa harap nila.. Di ko masabi ang totoong nararamdaman ko...ok...tama na ang kabaduyan..wahehe :P ... Eto tip sa inyo, wag kayo maxadong magmamahal ng isang taong di mo naman alam kung mahal ka. Naexperience ko na ito pati ang mga ibang kabarkada ko. And it's not your everyday heartbreak..Oo...masakit...it hurts...parang hinampas ka ng pagkalakilaking talong na nabubulok...basta...wag maxado magmahal sa umpisa...basta...parang ganun...hehe. :P Well...eto...feeling ko nagiisa ako sa mundo...(sabi ko napa-paranoid na ako..or nababaliw o_O)..Cge..kwento ko na sa mga susunod na posts ung everyday adventures of waway, just like everyone else...