Naalala ko pa no'n, unang araw ko sa don bosco. Mejo kinakabahan, kc bagong lipat lang ako dun. Natatandaan ko pa height ko nung first year ako, 5"1...wahaha. Iniisip ko nun, ano na naman kayang bagong lugar to?..Anung klase ng mga tao ang nand2?...Ano kaya ang itsura ko pagdating ng fourth year? wahaha. :P
-First Year-
Yoko ng First year. Medyo binubully bully lang ako ng mga panahong yan, kc "baguhan" lang daw ako. Asus, kung sana nung panahon na yan marunong na ko mambugbog, pinagbabanatan ko na sana lahat ng mga gagong kaklase ko..hahaha. Lalo na ung isang inis na inis ako, ung isang feeling boss at matanda, na itatago ko sa pangalang "tuta". Pero di ko rin masisisi ung mga taong un, kasi mga bata pa kami nun eh. Di pa namin nalalaman ang tunay na kadahilanan kung bakit kami nabubuhay. Hindi para mang-kupal ng mga tao, kundi para bigyan halaga ang buhay ng bawat isa. <--- Ngeee..hahaha! :P Kaya ayun..yan ang first year life ko. Ay, ang pangalan ng team namin noon Green Rockets(intrams).
-Second Year-
Eto ung time na nakilala ko ung mga tunay kong kaibigan. Cna rene,ted,jet,jord at e.j. . Dito nagsimula ang lahat ng mga kalokohan ko sa buhay..hahaha! Naalala ko ung ginawa naming short movie na may title na "barkada", by LIFE productions..hahaha. Dito ung tym na nabansagan ako na "waway". Nagiisip kami ng pangalan ng mga cast, sabay ung akin waway. Eh astig daw pakinggan, kaya un na naging nickname ko mula noon. Team namin dati sa intrams, Electro Monkeys...Dapat Mighty Bucks ...hahaha! sa mga 2-6 na nakakaalala non...ala nio na ibig sabihin...dahil kay mam na mahilig magsuot ng ..*blank* tuwing friday...hahaha! :P. ... Dito nabuo ung Black Box, ang organization ng barkada namin. Wala lang, nilagyan namin ng pangalan kc ginagawa namin ang mga bagay na "underground" kumbaga.haha :D. ...Aun..Basta astig ang second year...Except sa ilang mga kaklase..hehe.
-Third Year-
Marami nagsasabi na ang section naming, Comtech ay ang pinakaLoser sa lahat. Kung sino man nagsabi nun, napakaImmature naman. Kasi, hindi ganyan ang experience ko with my classmates. Well, di rin naman kami ganun ka-bonded nung 3rd year. Puro siraan lang sa isa naming kaklase na mahilig magmarunong. Nung 3rd year, nanumbalik ang pagtibok ng puso ni waway..hahaha! :P .. Kasi, nagkaroon kami ng interaction sa St.Scho noon. Eh lam mo na, madali kaming napaibig non kasi sabik sa gf ung mga bosconian non. Pero, wala rin...dahil sa uso ang "torpe virus" sa don bosco, nahawahan yata ako. Those were the days...hehe :D .. Ung jersey namin non parang american team...haha...Soccer team ako nun...SIlver lang kami, kasi sadyang napapunta sa electronics ang lahat ng varsity...pero kami? wala kaming varsity...naks! hehe...Ung bronze, may mga varsity! nakanang Comtech!! hehehe :D ...
-Fourth Year-
Ang di ko makakalimutang pangyayari sa taon na to eh xempre, ung retreat. Nagkaiyakan dahil sa sobrang galing ng powers ni Fr. Ding magpaiyak...hehe :D .. Haayy...Lakbay diwa...^_^...
Ung comlab naman namin, grabe, ginawa naming laruan ng Neopet,Crimsonland,Flashgames,Wolfenstein 3d(Di ko makakalimutan to! hehe), Ragnarok games, at little fighters. Ay, tsaka ung WEboggle ..hehe :D ... Tapos dito rin nagsimula ang pambubulabog ng mga threads, paglalaro ng mga online rpg's katulad ng RWK, at rpg threads sa Megatokyo...kasama si Abrigo, whew, we were unstoppable...Not even Paorou could stop us from flooding random sites...hehe. Dito rin ung prom namin na nagkaroon rin ng iyakan , thanx a lot to my friend Jeff. hahaha!:D
Haaayy...Namiss ko hayskul grabe. Ung araw araw na pagakyat sa grill house para lampasuhin ang mga lower batch sa magic..hahaha!! Ung unforgettable party ng kaibigan kong c Mark na tawa na lang ako ng tawa sa Adventure ni Jay kahit walang dahilan ung pagtawa ko..hahaha. Ung excessive drinking sa bahay nina Ted. Ung Jamming Sessions sa bahay nina ted. Ung happenings nangyayari sa SanLo Park, aka"Ted's Palace". Ung mga bonding sessions namin nina Jet at Rene. Ung nagovernyt kami ni Jet kina E.J. para mag-BB wars kinabukasan (naalala ko pa gamit ko nun, ung AK-47 na customized)..Ung mga projects at groupwork na ginawa namin sa klase. Ung mga rush na pagpapasign ng clearance... Ung paggigitara namin nina gado at vinno sa klase. Ung mga nabuong banda dati... Ung mga hayskul dance, lalo na ung 4th year na napakasaya hehehe :D ... Ung mga kagalit ng barkada namin. Ung sinugod ung tambayan namin ng mga Mech dahil ke Jord...Ung mga overnyt namin kina JC na wala naman tlaga kami maxadong ginawa kundi manggulo at magkalat ng alcohol sa bahay nina Jeff..hahaha:D... Basta, napakasaya ng hayskul...Miss ko na lahat...MAsama man o mabuti nangyari, miss ko na lahat ... ^_^...
Today's LSS: Kaleidoscope World - Francis Magalona tsaka Warrior is a Child - Gary V. (kasi naalala ko na isa yan sa mga pinatugtog nung retreat namin nung 4th year..hehe :D
Nga pala...may namimiss akong tao ngaun...sino kaya un? haayy...:D
Sunday, September 04, 2005
Subscribe to:
Comments (Atom)