Tuesday, August 16, 2005

Days passed...Lessons learned

"HAAAAAAYYY" --> isa yan sa mga madalas sabihin ng mga tao kapag naboboringan sa sitwasyon o kapag nakakaranas sila ng discontent sa buhay nila. Well...wala lang, gusto ko lang sabihin...ahahah!! Anyweiz, ang tagal ko pa lang nde nagpost ng blog. Kala ko nga tuluyan ko na aabandonahin tong blog na to eh. hahaha. Maraming nangyari pagkatapos nung last post ko. Well, ilan na dun ung nalaman ko na baka bumagsak ako sa ilan sa mga subject namin *sob*. At ngaun, TALAGANG alam ko na ang college life. Di ka pala pwedeng pagago-gago lang(katulad ng ginawa ko nung hayskul). Inaamin ko, nasa hayskul pa utak ko nung 1st month ng 1st term.

Basta...yoko na isipan pa ung mga kapabayaan na ginawa ko ng 1st term. Seseroyosohin ko na tlaga.Kailangan ko na maging mature!! hahaha!!...Seryoso un ah..haha. Well, isa sa mga di ko inaasahan mangyari eh ung birthday ng friend kong c maan. Nandun kc ung mga classmates ko nung elem. eh. May memorable moment dun, kasi nakatapak ng pinagbabawal na kemikal (o tae)ang dalawang taga-benilde na kasama namin...WAHAHAHA!!.. Mejo naOP rin ako, kasi ako lang ata ung napalayo ng husto sa kanila, kasi nagDonBosco pa kasi ako. Oh well, di ko naman ni-regret ung paglipat ko ng skul..hehe.

Kanina naman, sa kadahilanang tinamad ang barkada namin sa block ko, nagbilliards, at nagPS2 na lang kami sa pagkahabahabang break. Medyo masaya rin ako, kasi walang Compro. At pag walang compro, di ko kailangan mahilo sa kakasolve ng mga recursion problems. Agghh.. Programming... Yoko na tlaga magsolve ng mga ganung exercise. Kaninang umaga, nagmamadali ako pumasok kasi magkaiba ung kulay ng Chuck taylor na suot ko..hahaha, kasi nagpalit kami ni Ado Adoremus ng sapatos the day before...wala lang...gusto lang namin..hahaha!

Nung isang araw naman, napadalaw ung dalawang bespren ko, c rene at c jet. Ang saya namin sobra, kasi pinagkwentuhan namin ung mga misadventures namin nung highschool..hahaha! TApos kumain kami sa Chowking (dahil sa nakakbanas na molar bands). Nagkakabag yata kami sa kakatawa nun, nung napunta ung topic sa mga kagaguhan at kainosentehan namin dati. Hanggang dito na lang cguro...HAAAAYYY... :P..

TODAY's LSS's: Gusto ko ng baboy - Radioactive sago project
TODAY's Favored quote: "Can this be love?" ---WAHAHAHA!!!

No comments: